Thursday, October 14, 2010

RYT-RAM

Nakikisabay na naman ng ulan,
sa aking pusong luhaan,
wala naman nagawang kasalanan,
kundi magmahal ng lubusan.

Kasabay ng ulan,
malamig na simoy ng hangin,
ginaw ay di ko mapigilan,
init ng iyong yakap ang tanging kanlungan.

Ngunit nasaan ka na?
yakap mo'y iba.
Wala na ba sayong halaga?
Ako'y giniginaw at laging mag-isa.

Sa yakap mo'y nasasabik,
matikmang muli ang matatamis mong halik,
Ngunit tugon ay pasakit,
hapdi na nadarama'y di maiwaglit.

Ako'y iniwang walang awa,
ang magpaalam ay di pa nagawa.
Ngunit kahit ganun pa man,
ika'y laging nasa puso't isipan.

'Wag mo na kong alalahanin,
mga sinasabi'y wag nang pansinin.
Tanging ipangako sakin,
ika'y magiging maligaya sa kanyang piling.

.
.
.

At kung sakali mang sa kanya'y mabigo,
masaktan ang iyong puso.
Tandaan mong nandito lang ako,
laging handang sa iyo'y sumalo.

No comments: