Wednesday, November 16, 2011

N G I T I

Sa simbahan..

"Father, mangungumpisal po ako.."

"Sige anak, makikinig ako."

"Isa po akong pulitiko. Marangya ang buhay dahil sa pangungurakot. Nagpapabalik-balik sa ibang bansa gamit ang pera ng bayanpara lang magbakasyon. Mayron akong pinasarang negosyo dahil hindi naibigay ng may-ari ang hinihingi kong kalahating milyon na multa sana sa violation na pakana ko lang. Suki ako sa mga Cassino gamit ang kaban ng bayan. Niloloko ko ang taong bayan. At ang pamilya ko father, ang asawa ko.. niloloko ko silang lahat!!" tuluyan na akong napaiyak. "Pero father, nagbago ang lahat ng makilala ko si Pepe.."

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Manong anu ba?!! Dahan-dahan naman!!" sigaw ko ng biglang pumreno si Manong gamit ang government van na minamaneho nito.

"Mayor may biglang tumawid na bata, nasagasaan yata natin!"

"Ano?!! Naku naman Manong problema yan, mag-iingat ka kasi sa pagmamaneho."

Dali-daling bumaba si Manong para tingnan kung anong nangyari sa bata.

"Mayor, kailangan po natin siyang dalhin sa ospital!."

"Naku Manog mag-arkila ka nalang dyan ng tricylce, hindi ako pwedeng ma-late sa..." natigil ako sa pagsasalita ng makita kong madami na palang nakikiusyoso. "Sige, sige Manong ipasok mo na yung bata , kailangan siyang madala kaagad sa ospital!!.. " medyo pinalakas ko ang boses ko para marinig ng mga tao. Tiyak na pampalapad na papel na naman 'to.

Diretso kamo sa emergency room nung makarating kami sa ospital. Siyempre sumama ako, nilubos ko na ang pagpapalapad ng papel.

"Doc, gawin niyo po ang lahat ng makakaya niyo, iligtas niyo po 'yung bata!" pinalakas ko pa ng kaunti ang boses ko nung mapansi nkong may paparating na mga reporter.

Pagtalikod ng doctor, siya namang lapit ng isang reporter sa'kin, na sinalubong ko naman ng ngiti. Ngiting pulitiko.

►►►

"Honey, san ka pupunta? May lakad ka ba?" tanong ng asawa kon si Elene.

"Sa ospital." maikling sagot ko. Pero lingid sa kaalaman niya pagkatapos ko sa ospital ay dederetso ako kay sabel. Ang babaeng pagkakasala ko sa aming mag asawa.

"Ganun ba, yung ba yung kinukwento mo sa'kin? Sama naman ako. Nababagot na kasi ako dito sa bahay, wala naman akong ginagawa. "

"Hindi pwede." malamig at mariing sagot ko.

"Bakit naman?"

"Ba''t ba andami mong tanong. Kapag sinabi kong hindi, hindi. Diyan ka na nga. Alis na ako." sabay talikod sa kanya.

"Ingat." ang tangi niya nalang nasambit habang nagpupunas ng nangingilid na luha sa kanyang mga mata.

►►►

Tama nga ang aking hinala, meron ngang nakaabang na reporter sa labas ng ospital. Sinadya ko namang dumaan sa harapan niya para mapansin niya ako. At di naman ako nabigo.

"Magandang araw po Mayor. Andito po pala kayo. Maari ko po bang itanong kung saan ang punta niyo?" tanong ng reporter.

"Aahm.. (ngiti..) bibisitahin ko lang yung batang dinala namin dito nung isang araw. Kukumustahin ko sana. " ngiti ulit.

"Napakabait niyo talaga Mayor, kahit busy kayo sa trabaho nakukuha niyo pa ring bumisita dun sa bata. "

"Naku, hindi naman. Obligasyon ko talagang tulungan ang mga nangangailangan. At saka responsibilidad ko din naman yung bata e. Sige mauna na ko sayo." sabay ngiting pulitiko na naman at talikod dito.

"Sige po Mayor, salamat po."

►►►

Naabutan ko ang isang nurse pagpasok ko sa kwarto ng pasyente.

"Kumusta na siya?" baling ko sa nurse.

"Kayo po pala Mayor. Stable na po ang lagay ng pasyente. Minor injuries lang po ang tinamo niya. Pero malnourished po siya. Mukhang ilang araw nang hindi pa kumakain na sa palagay ko ay yun po ang dahilan kung bakit siya nawalan ng malay. Pwede na po siyang ilabas dalawang araw mulag ngayon. Kaya lang Mayor... "

Ano yun?" masama 'to, parang alam ko a kung ano ang iniisip niya. Mukhang mapapasubo ako ng wala sa oras. Wag naman sana..

"Parang isa po ito sa mga batang palaboy-laboy sa kalsada. Wala din itong mapupuntahan pagkalabas ng ospital. Kawawa naman. Hindi ko naman pwedeng iuwi sa bahay kasi siguradong hindi papayag ang asawa ko. "

"Wag kang mag-alala, ako na ang bahala sa kanya. Gagawin ko ang lahat para hindi ni siya bumalik sa dati niyang buhay." pero ang totoo niyan ay dadalhin ko nalang siya sa bahay ampunan.

"Talaga po?! Naku mabuti nalang at napakabait niyo Mayor. Sige po alis muna ako, titingnan ko pa kasi yung ibang pasyente."

"Sige."

Umupo ako sandali. Ilang minuto lang ay aalis din ako agad. Sisiguraduhin ko lang na hindi pagdududahan ang pagpunta ko dito. Maya-maya ay tumayo na ako upang umalis. Pero napansin kong gising na pala yung bata. Nakatingin siya sakin. Deretso sa mga mata ko.

"Anong kailangan mo bata?" 

"Kanina pa kita hinihintay." sabi ng bata. 

"Huh?! Anong ibig mong sabihin?" hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa mga mata ko. Hindi siya kumukurap. Bagkus ay itinaas niya ang kanyang kamay na parang gusto niya akong hawakan. Kinilabutan akong bigla sa ginawa niyang yun. Hindi ko magawang tumakbo. Parang may kung anong pwersang nagtutulak sakin para lapitan yung bata. Nagsimula nang humakbang ang mga paa ko papunta sa kanya. Parang may kumukontrol sa katawan ko. Papalapit na ako ng papalapit sa kanya. At sa hindi ko inaasahang pangayayari ay gumalaw ang kamay ko para hawakan ang nakataas niya paring kamay. Nang maglapat ang aming mga palad nagliwanag ang buong paligid. Dahil na rin sa matinding liwanag kaya't napapikit nalang ako. Pagmulat ko ay nasa ilalim na ako ng kama ni Sabel.

“Walangya ka! Magsisinungaling ka pa!! Ilabas mo na asawa ko! Napakalandi mo! Hindi  ka na nahiya! Mayor pa ang tinitira mo! Ilabas mo siyaaaa!!!” umalingawngaw sa pandinig ko ang boses ni Elena.

Anong nangyari?!! Paano niyang nalaman ang tungkol sa’min ni Sabel? At paano ako napunta ditto? Ang natatandaan ko ay nasa ospital ako kani-kanina lang.

“Ilang  beses ko bang sasabihin sayo na wala dito ang asawa mo. Ba’t ba ang kulit-kulit mo?!! At sino ang malandi ha?! Para lang malaman mo yang asawa mo ang habol ng habol sa’kin. Siguro kaya nangangaliwa ‘yang asawa mo kasi hindi na siya masaya sayo. O kaya naman e sukang suka na siya diyan sa pagmumukha mo! Palibhasa di mo mabigyan ng anak! Hahaha.. Nakakaawawa ka naman.” Pagkatapos ay isang nakakainis na tingin ang ibinato niya sabay tumawa ng malakas na para bang wala ng bukas.

“Ahh.. ganun.. e kung pasabugin ko kaya ‘yang bungo mo?! Ha?! Tingnan ko lang kung makatawa ka pa!” sabay  labas ng baril mula sa kanyang bag.

“T-Teka lang Elena.. i-ibaba mo yannn… Nabigla lang ako sa mga nasabi ko. ..” garalgal na ang boses ni Sabel. Masama ang kutob ko. Parang may kung anong masamang mangyayari. Ramdam ko nag takot niya dahil pwede siyang mamatay ano mang oras kapag pinutok ni Elena ang baril.
“haha.. Nabigla?! Tingnan mo nga naman oh. Kanina halos wala nang bukas ang tawa mo tapos ngayon nagmamakaawa ka. Nakakaawa ka naman! Pag hindi mo pa tinigilan ang asawa ko, magkakamatayan na tayo!! Tandaan mo yan!!”

Pagkatapos nun ay isang malakas na pagsara ng pinto ang narinig ko. Hudyat para lumabas na ako sa pinagtataguan ko. Ngunit laking gulat ko nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa ang umiiyak na imahe ni Sabel na may dalang kutsilyo. Napapikit nalang ako at hinintay kung ano man ang sasapitin ko.

►►►

“Ano Mayor magsalita ka! Hindi ko akalain na magagawa mo ang bagay na ito sa taumbayan!” aniya ni Vice Mayor. Hawak-hawakang kwelyo ng damit ko.

Nadatnan ko ang sarili ko sa loob ng opisina ko. Kaharap ang galit na galit na si Vice Mayor. Ang iba naming kasama sa konseho ay napapailing nalang na para bang naninisi. Ang iba namang empleyado ay nag-aabang sa kung ano man ang paliwanag na sasabihin ko.

“Tumingin ka sa labas Mayor. Galit na galit na ang mga tao sa baba. Kanina pa nila hinihintay ang sagot mo. Sagutin mo na ngayon Mayor, totoo ba na may kinalaman ka sa pagpapasara sa kumpanya ni Mr. Cy dahil lang sa hindi nila naibigay ang gusto mong kalahating milyonnn!!!”

Natulala ako ng Makita ko ang pulutong ng mga tao sa labas. Ano na naman ‘to?! Akala ko mamamatay na ako sa mga kamay ni Sabel pero heto’t napunta ako sa opisina ko.

“At hindi lang yon Mayor, sangkot ka din daw sa isang sindikato. Totoo bang mga paratang nila?..” dagdag pa ni Vice Mayor.

Lahat naghihintay ng sagot ko. Alam kong ano man ang sabihin ko ay papaniwalaan nila dahil tiwala akong nabilog ko na lahat ang mga ulo nila, pero nakapagtatakang ang nasambit ko nalang ay…

“Hindi ito totoo!! W-wala!! Wala akong alam!!” garalgal na ang boses ko dahil na rin sa hindi maintindihang mga pangyayari. Parang masisiraan na ako ng ulo.

“Anong wala? Anong wala Mayor?! Sagutin mo ng maayos. Hindi na makontrol ang mga tao sa labas. Galit na galit sila!”

“Mayor, magbitiw ka na sa pwesto!”

“Manloloko kaaa!!!”

“Kawatan!!!”

“Wala kang awa sa mga mahihirap! Hindi ka nararapat tawaging Mayor!!”

Sigaw ng taong nanggagalaiti sa labas ng munisipyo. Wala ng nagawa ang mga security guards ng pwersahan na nilang pinasok ang building. Binabalya nila ito hanggang sa tuluyan na nga itong masira.

Wala akong nagawa kundi takpan nalang ang magkabilang tainga at ipikit ang mga mata.

►►►

Ngunit gaya ng mga nagdaang nangyari, nang ipikit ko ang akong mga mata ay napunta na naman ako sa ibang lugar. Pero hindi ko inaasahang pagmulat ko ay nasa loob na ako ng courtroom.

“Pagkatapos ng masinsinang pag-iimbistiga, ikaw Gilberto Manansala ay napatunayang nagkasala sa batas at ikaw ay hinahatulan ng habangbuhay ng pagkakakulong. .. “

Hindi ko na narinig ang iba pang sinabi ng judge. Parang bigla nalang akong nawalan nga pandinig. Tuluyan nang nahulog ang mga tuhod ko sa lupa at napahagulgol. Sirang-sira na ang pangalan ko at patong-patong ang mga kasong isinampa sa’kin.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sa loob ng selda.

Mainit. Mabaho. Masikip.

Nangangalay na ang mga paa pero parang mga manhid na ito kakatayo buong maghapon. Nakatayo at laging hawak ang mga malalamig na rehas. Nagbabakasakaling may dumating na kilalang mukha at dumalaw sa kanya. Nagnanais na maibsan man lang ang kalungkutang nadarama.

Habang sa likod niya, may nakaaambang panganib. Isang matulis na bagay na anumang oras ay maaring tumarak sa kanyang tagiliran. Nagsimula ng maglakad sa kanya ang may hawak nito. Hanggang sa. ..
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Panganib. Yan ang naramdaman ko sa mga oras na iyon. Ngunit sa kahuli-hulihang pagkakataon ay ipinikit ko ang aking mga mata.

“Diyos ko, iligtas mo po ako!!” nalang ang tangi kong nasambit.

Pagmulat ko, puti. Nagkulay puti ang buong paligid. Nasa langit na ba ako?

Hindi, parang hindi.

Ospital. Oo nga pala, nasa ospital ako. Napabalikwas ako ng matanto ko kung nasaan ako. Mangiyak-ngiyak na nagpasalamat sa Diyos na isang panaginip lang pala ang lahat. Nakatulog pala ako ng hindi ko namamalayan. Pagtingin ko sa kama, nandoon pa rin ang bata at mahimbing na natutulog.

Pero, anong ginagawa ko dito sa tabi ng kama niya?.. At, hawak-hawak ang kanyang kamay. ..



-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
“Father, pinagsisisihan ko na po ang lahat nga nagawa ko, gusto ko na pong magbago pero di ko po alam kung saan magsisimula. Tulungan niyo po ako… “ hindi ko na napigilan ang mga luha ko sa pagtulo.

“Walang sino man pwedeng makatulong sayo kundi ang sarili mo. Magsimula ka kung saan nagsisimula an lahat. Kung nagsisisi ka talaga, haharapin mo ang lahat ng kaparusahan. Tanggapin mo ang lahat ng kamalian mo at gawin itong tama. Walang nagsising hindi pinatawad nga Panginoon. Humayo ka anak, magbago ka para sa sarili mo at higit sa lahat para sa mga taong nagmamahal sayo. Hindi pa huli ang lahat.”

“Opo, opo Father!”

Bago lumabas ng simbahan, humugot muna ko ng isang malalim na paghinga, pinuno ang dibdib ng hangin at ngumiti. Ngumiti para sa bagong buhay na aking haharapin, na aking tatahakin. Ngiting taos sa puso.





_____________________________________________________________________
Salamat sa pagbabasa. :)
...
Nga pala, sa mga di nakakaalam.. Si Gilberto Manansala yung bida sa pangwalong libro ni Bob Ong naAng Mga Kaibigan ni Mama Susan. Yun kasi yung unang pumasok na pangalan sa utak ko eh. hehe.. :))

BAGONG STAYL?

Napag isip isip kong pwede irin pala akong gumawa ng mga maikling kwento... haha.

- S E D A T R O F L E O J -

Noong una ay di ko namalayan,
pagdating mo sa buhay ko ay may dahilan.


Sa mukha mo'y may naalala
   noong una tayong magkakilala
   kaya't ako'y umiiwas pa
   sa unang mga araw ng eskwela.
Ewan ko ba't nagkakwentuhan
   tayong dalawa'y naging magkaibigan,
   magkasama sa tawanan
   sa problema'y nagdadamayan.
Dinig mo ang bawat panaghoy
   kapag napapadaan sa kumunoy.
   kasama sa mga pagbangon
   nakaalalay sa aking pag-ahon.
Alam mo ang bawat pighati
   sa pagtulong ay nagbabakasakali
   karamay sa bawat sandali
   ibinabalik ang aking mga ngiti.
Tunay ka ngang kaibigan
   balikat mo'y laging handang masandalan
   ika'y dapat tularan
   'pagkat ang tulad mo'y isang huwaran.
Replika mo'y nakatatak na
   sa puso at isip ko,
   ikaw sana'y di magbago
   'yan ang siyang ikinatatakot ko.
Oo nga't iya'y di maiiwasan
   sapagkat tayo'y tao lamang
   subalit iyo sanang pakatandaaan
   sa iyong paglingon ako ay nariyan lang.
Friendship, salitang sayo ko lamang nalaman
   ang tunay na kahulugan.
   Lumipas man sa haba ng panahon
   wala akong pakialam, ang mahalaga ay ang ngayon.
Lagi kang kasama sa mga panalangin
   ikaw sana'y di malagay sa alanganin
   saan man tangayin ng hangin
   pag-iingat ang laging isipin.
Eto sana ang laging pakatandaan
   ilang siglo man ang dumaan,
   ilang milya man ang malakbayan,
Oo nga't tayo din ay magkakalayo,
   tatahaking daan ay iba-iba ang tungo...
Joel, si mirang, mayang, marang, zol, mommy, pards,
   Mirazol, Diane, at Grace...
   lagi mong masasandalan
   at di magbabago kailanman.

Wednesday, March 16, 2011

G I S I N G N A

Walang humpay na pagtakbo
ngunit sa'n nga ba patungo?
Tinatahak na daan
saan nga ba hahanggan?

Habang tumatakbo,
hindi ko maiwasang tumingin
magkabilang tanawin
na umaagaw sa aking pansin.

Basurang nagkalat,
mga pamilyang sa pagkain ay salat.
Mga bahay na dikit-dikit,
mga batang ang damit ay puni-punit.

Sa kabilang dako
isang ina na ang anak ay pito,
mga lalaking bagsak sa bisyo,
alak, droga at sigarilyo.

Sa di kalayuan
may narinig akong nag-iiyakan,
mga taong walang mapuntahan,
lugmok sa kahirapan.

Nakakaawang tingnan,
minsan nga'y napapapikit nalang.
Ano nga ba ang dahilan
sa kanilang kinahantungan?

Ang tulong na para sa kanila
nakakulong sa palad ng mga buwaya.
Mga nilalang na walang awa,
walang mga pakialam sa kapwa.

Silang mga gahaman,
mga sakim sa pera at kapangyarihan.
Yaman ng taumbayan,
sila lang ang nakikinabang.

Ngunit gaya ng bawat gabi
may umagang darating,
sisilip ang pag-asa,
bukang liwayway ay nandito na.


"Gumising ka na at maghilamos, Pilipinas!
   Masarap ang almusal!"
                                                    -bakit baliktad, bob ong

Monday, January 31, 2011

Sa Muling Pagbangon

Ang segundo ay parang minuto
Minutong katumbas ay oras
Oras na singtagal ng dantaon
Dantaon na pala akong nakabaon.

Bugbog sa sariling mga kamay
mata nalang ang walang latay
matang walang ginawa kundi
lumuha, tumangis sa  bawat sandali.

Liwanag nasaan ka na?
ako'y hapong - hapo at hinihingal na
liwanag na dulot ay pag - asa
ikaw kaya'y darating pa?

Ako nga'y hindi nagkamali
sa iyong pagdating pagod ay dagling napawi
nakamit ang pinakahihintay na sandali
masinagan ang puso kong sawi.

Ngunit ako ay may takot
ang kasiyahan ay dagling maudlot
mapalitan na naman ito ng lungkot
ito pala'y isa ring salot.

Di ko na makakaya pa
masaktang muli at tuluyang madapa.
Iyo kayang pag ibig ay wagas
at mananatili hanggang wakas?

Pag-aalinlangan ay naisantabi
ika'y laging nasa aking tabi
naitama ang mga pagkakamali
nagliwanag ang animo'y laging gabi.



Ang segundo ay parang minuto
Minutong katumbas ay oras
oras na singtagal ng dantaon
pasakit man ang nadama noon

Pag ibig mo ang dala sa muling pagbangon.

Sunday, November 21, 2010

NYX

She makes me laugh,
she makes me smile.
She pushes me up,
but pulls me down when it's so high.

When problems strike,
she'll say, "It's alright!"
She cheers me up
when sadness is in my eyes.

When I am worried,
she'll say, "Calm down."
When tears roll down on my cheeks,
her shoulder is in my reach.

When nobody can hear,
she listens.
When everything is unclear,
she'll be the light to clarity.

She opens her eyes
when I am calling,
and will be ready to catch
when I am falling.


The blood that flows our veins are not the same,
but you can cry with me with no shame.
For everything that we've been through,
No matter where we'll go,

Always remember,

There will never be me,

                  without you.

Wednesday, October 20, 2010

Samahang Walang Katulad

Sa aking pagtanda
paglimot ay di magagawa
sa mga panahong
ako ay naging bata.
Lalo na ang mga ala-alang
kayo ang kasama
walang humpay ang ligaya
animo'y wala nang darating na umaga.

Puso ay kay saya
'pag magkakasama't nagtatawanan,
saan mang lakaran
o sa harap ng inuman
maging sa hapag kainan
siguradong walang iwanan.
Sa panahon ng kalungkutan
kayo'y laging nasasandalan.

Kung dumating man ang oras
magkakahiwa-hiwalay ang mga landas
pangakong di makakalimot
sa pagmamahal ninyong wagas
at pag-aalagang walang katumbas.
Lalo na ang mga tawanan,
iyakan, inuman, lakaran,
at mga samahang walang katulad.